Wednesday, October 3, 2018

Make your PORK STEAK tasty, simple and easy...


Ingredients:


Pork - cut into small cubes
Marinating ingredients: Soy sauce, Calamansi, Pepper.
      Marinating hours: 30 minutes - 1 hour
Onion and garlic


Procedure:

  1. Separate the marinating sauce from pork then set aside.
  2. Then fry the pork in a pan (half cooked) and set -aside.
  3. Saute the onion and garlic then add the fried pork, let it cook for a couple of minutes.
  4. Add the marinating sauce, cooked for 10 minutes or until  the sauce is thickened.
  5. Served. (best serve with Chop Suey).


"Prepare Your Food in Your Own Style"


BULANGLANG


BULANGLANG 

Sangkap/Rekado:

Pakbet Na Gulay
Isadang prito o tuyo
Kamatis
Dahon ng Saluyot o Malunggay
Sibuyas, Bawang at Luya

Paraan ng Pagluluto:

  1. Lamasin sa asin ang lahat ng mga sangkap para mas lumasa ang gulay.
  2. Isalang ang kaserola at pakuluan ang pritong isda o tuyo, kamatis, bawang, sibuyas, luya.
  3. Ilagay ang gulay at hayaan muli ito na kumulo at maging half-cooked bago ilahok ang ampalaya, tikman.
  4. Patayin o hanguin na sa apoy bago ilagay ang madahong gulay (saluyot o ampalaya) upang ang init na natitirang na lamang ang luluto rito.
  5. Ihain.



Lutong bahay ni Nanay: Tinumis

Nakakamiss ang lutuing simple  pero alam nating higit  na masustansya!. Na kadalasan inihahanda ng ating mga nanay, minsan pa nga pinipilit nating gayahin yung kanilang mga lutuin kapag namimiss natin ang mga ito o kaya para matikman ng ating mga kaibigan.

Sa aking pagtatanong-tanong, ito ang isa sa mga recipe ng mga nanay na inihahanda sa kanilang  mga pamilya.

TINUMIS

Ingredients:

Puso ng Saging - ginayat ng manipis.
Giniling na karne ng baboy
Asin
Bawang (minced), Sibuyas (minced) at Pamintang durog
Suka
Siling labuyo o haba (optional)


Paraan ng pagluluto:

  1. Pigaan ang puso ng saging sa pamamagitan ng asin upang maalis ang mapaklang lasa o dagta nito at ilagay muna sa isang tabi (huwag itong hugasan).
  2. Igisa ang giniling na karne sa sibuyas at bawang na may paminta.
  3. Ilagay ang pinigaang puso ng saging dagdag ng kunting tubig, pakuluan.
  4. Lagyan ng suka, mga panlasa at  sili (optional), pakuluan ng ilang minuto. Tikman.
  5. Pwede na itong ihanda sa ating hapagkainan.

Note: Ang sukat ng bawat rekado ay nakadepende sa dami ng iyong ihahanda at panlasa.