Nakakamiss ang lutuing simple pero alam nating higit na masustansya!. Na kadalasan inihahanda ng ating mga nanay, minsan pa nga pinipilit nating gayahin yung kanilang mga lutuin kapag namimiss natin ang mga ito o kaya para matikman ng ating mga kaibigan.
Sa aking pagtatanong-tanong, ito ang isa sa mga recipe ng mga nanay na inihahanda sa kanilang mga pamilya.
TINUMIS
Ingredients:
Puso ng Saging - ginayat ng manipis.Giniling na karne ng baboy
Asin
Bawang (minced), Sibuyas (minced) at Pamintang durog
Suka
Siling labuyo o haba (optional)
Paraan ng pagluluto:
- Pigaan ang puso ng saging sa pamamagitan ng asin upang maalis ang mapaklang lasa o dagta nito at ilagay muna sa isang tabi (huwag itong hugasan).
- Igisa ang giniling na karne sa sibuyas at bawang na may paminta.
- Ilagay ang pinigaang puso ng saging dagdag ng kunting tubig, pakuluan.
- Lagyan ng suka, mga panlasa at sili (optional), pakuluan ng ilang minuto. Tikman.
- Pwede na itong ihanda sa ating hapagkainan.
No comments:
Post a Comment