Wednesday, October 3, 2018

Make your PORK STEAK tasty, simple and easy...


Ingredients:


Pork - cut into small cubes
Marinating ingredients: Soy sauce, Calamansi, Pepper.
      Marinating hours: 30 minutes - 1 hour
Onion and garlic


Procedure:

  1. Separate the marinating sauce from pork then set aside.
  2. Then fry the pork in a pan (half cooked) and set -aside.
  3. Saute the onion and garlic then add the fried pork, let it cook for a couple of minutes.
  4. Add the marinating sauce, cooked for 10 minutes or until  the sauce is thickened.
  5. Served. (best serve with Chop Suey).


"Prepare Your Food in Your Own Style"


BULANGLANG


BULANGLANG 

Sangkap/Rekado:

Pakbet Na Gulay
Isadang prito o tuyo
Kamatis
Dahon ng Saluyot o Malunggay
Sibuyas, Bawang at Luya

Paraan ng Pagluluto:

  1. Lamasin sa asin ang lahat ng mga sangkap para mas lumasa ang gulay.
  2. Isalang ang kaserola at pakuluan ang pritong isda o tuyo, kamatis, bawang, sibuyas, luya.
  3. Ilagay ang gulay at hayaan muli ito na kumulo at maging half-cooked bago ilahok ang ampalaya, tikman.
  4. Patayin o hanguin na sa apoy bago ilagay ang madahong gulay (saluyot o ampalaya) upang ang init na natitirang na lamang ang luluto rito.
  5. Ihain.



Lutong bahay ni Nanay: Tinumis

Nakakamiss ang lutuing simple  pero alam nating higit  na masustansya!. Na kadalasan inihahanda ng ating mga nanay, minsan pa nga pinipilit nating gayahin yung kanilang mga lutuin kapag namimiss natin ang mga ito o kaya para matikman ng ating mga kaibigan.

Sa aking pagtatanong-tanong, ito ang isa sa mga recipe ng mga nanay na inihahanda sa kanilang  mga pamilya.

TINUMIS

Ingredients:

Puso ng Saging - ginayat ng manipis.
Giniling na karne ng baboy
Asin
Bawang (minced), Sibuyas (minced) at Pamintang durog
Suka
Siling labuyo o haba (optional)


Paraan ng pagluluto:

  1. Pigaan ang puso ng saging sa pamamagitan ng asin upang maalis ang mapaklang lasa o dagta nito at ilagay muna sa isang tabi (huwag itong hugasan).
  2. Igisa ang giniling na karne sa sibuyas at bawang na may paminta.
  3. Ilagay ang pinigaang puso ng saging dagdag ng kunting tubig, pakuluan.
  4. Lagyan ng suka, mga panlasa at  sili (optional), pakuluan ng ilang minuto. Tikman.
  5. Pwede na itong ihanda sa ating hapagkainan.

Note: Ang sukat ng bawat rekado ay nakadepende sa dami ng iyong ihahanda at panlasa.


Saturday, September 29, 2018

HOME MADE BACON and PORK BARBECUE


HOME MADE BACON

Mga Kailangang sangkap:

1 kilo liempo, boneless , skinless
1 tbsp. asin, pino
1 tsp. curing salt
1 tsp. phosphate
3 sugar
1 tbsp bacon powder
1 tbsp. isolate
1 tbsp carrageenan
1/4 tasa tubig na malamig

Paraan ng Paggawa:
  1.  Pumili ng mabuting kalidad ng karne.
  2.  Palamigin sa refrigerator ng isa't kalahating oras ang karne.
  3. Ihanda ang pang-marinating solusyon.
  4. Ilubog ang karne sa marinating solusyon at ilagay sa refrigerator hanggang 8 -12 oras.
  5. Iluto lang ang kailangan na bacon at ilagay ulit sa freezer ang hindi pa luto.

PORK BARBECUE 

Mga kailangang sangkap:

1 kilo pigue ( hiwain ng 1 1/2 x 1 1/2)
1/2 tasa asin (pino)
1 tsp phosphate (tunawin sa 1/4 tasang tubig)
8 tbsp sugar (brown) 
2 tbsp toyo
1/2 tasa 7-up/sprite
1 tbsp paminta (pino)
2 tbsp bawang
2 tbsp catsup
1/4 tasa meat tenderizer
1/2 tsp vetsin

Paraan ng paggawa:
  1.  Palamigin ang karne at hiwain sa (1 1/2 x 1 1/2)
  2. Ihanda ang lahat ng sangkap, ihalo at ibabad ang karne ng magdamag sa refrigerator
  3. Itusok sa sticks ang karne 4-5 piraso sa bawat stick, putulin
  4. Iluto ang kailangan at ilagay ang iba sa refrigerator.

Pinagkunan ng impormasyon:

Sa Muling paglilimbag at pamamahagi ng Department of Agriculture MiMaRoPa  sa pamamagitan ng Regional Agricultural and Fisheries Section.
 



 

Thursday, September 20, 2018

Nilaswahang Gulay


Maganda rin talaga kapag maisyuso ka sa mga marunong magluto, kagaya ng isshare ko here..isa ito sa mga pinakasimpleng lutuin pero masustansya. Natutunan ko ang pagluluto nito sa nanay ng aking housemate before, since then parang naging comfort food ko na sya na lagi kong hinahanap.

 Try nyo lang mga beshie....Masarap sya at masustansya lalo na kung di ka rin masyadong kumakain ng mamantikang pagkain๐Ÿ’–๐Ÿ˜


MGA SANGKAP

Saluyot/Jute Fiber Plant -1 or 2 tali
Okra/Ladies Finger       - 1 or 2 tali
Isda or Hipon                - 4 to 5 fish or 1/4 kg ng hipon
Bawang/Garlic             -  5 pirasong ngipin
Suka/Vinegar               -  1 o 2 kutsara (Datu Puti)
Water/tubig                  -  1 - 1.5 Cups


PARAAN NG PAGLULUTO

1. Iprito ang isda o isangag ang hipon, kapag ito ay luto na , atin muna itong ilagay sa tabi.

2. Isalang ang kaserola at pakuluan ang 1 cup hanggang 1.5 cups ng tubig at ilagay ang 5 pirasong buong binalatan na ngipin ng bawang.

3. Kapag naaamoy  na ang bango ng bawang timplahan ito ng bagoong ayon sa iyong panlasa at hayaan ulit itong kumulo bago ilagay ang saluyot at pakuluan ng kalahating minuto.

5. Ilagay  na ang okra at palambutin hanggang ito ay maging half cooked.

6. Ilagay na ang panglahok na isda o hipon bago ito lagyan ng suka at hayaang kumulo, tikman.

7. Ihanda na sa hapagkainan.


    Pakatandaan:

       1.  pwede po unahin ang isdang pinirito o sinangag na hipon sa pinakuluang bawang na may                    bagoong bago ilagay ang saluyot at okra.
      2.  Hindi po sya madulas kainin dahil sa suka..



Kung nagustuhan nyo pakishare at hihintayin ko po ang inyong komento๐Ÿ‘๐Ÿ‘๐Ÿ‘๐Ÿ‘